Home NATIONWIDE DFA: Maritime-related proposals ng Tsina ‘di inisnab; taliwas sa PH interests

DFA: Maritime-related proposals ng Tsina ‘di inisnab; taliwas sa PH interests

MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Martes na nakatanggap ito ng ilang maritime-related proposals mula sa China, subalit sinabing hindi kinokonsidera ang mga ito dahil taliwas umano sa national interests ng Pilipinas.

Anang DFA, kabilang sa mga mungkahi ng China ang isa kung saan iginiit nito ang “actions that would be deemed as acquiescence or recognition of China’s control and administration over the (Second Thomas Shoal)” at hindi maaaring ikonsidera ng Pilipinas ang ganitong mungkahi “without violating the constitution or international law”.

Ito ang naging tugon ng DFA sa ulat kung saan sinabi umano ng hindi pinangalanang “ranking Chinese official” na hindi inaaksyunan ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga panukala ng Beijing upang gawing normal ang sitwasyon sa pinagtatalunang parte ng South China Sea.

“From the outset, DFA wishes to underscore that the Philippines is approaching these confidential negotiations with utmost sincerity and good faith,” anito.  “We were, therefore, surprised by China’s disclosure of sensitive details of our bilateral discussions.”

Iprinisenta ng China ang 11 concept papers kung saan iminumungkahi ang mga pamamaraan upang pangasiwaan ang Second Thomas Shoal at fishing issues sa Scarborough Shoal, ayon sa ulaat, batay sa Chinese official.

Itinanggi ng foreign ministry ang pahayag ng Chinese official at sinabing, “in no way did the Philippine Government ignore China’s proposals.” RNT/SA

Previous articleDILG nakiisa sa Ramadan
Next articleAiko at Candy, nagbati nang di in-announce!