Home NATIONWIDE DILG nakiisa sa Ramadan

DILG nakiisa sa Ramadan

MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Martes ang pag-asang hatid ng Ramadan ang mga oportunidad para sa kapayapaan.

Inihayag ito ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. sa kanyang pagbati sa Filipino Muslims sa pagsisimula ng Ramadan.

“May this month present us all with boundless opportunities toward genuine, inclusive, and sustained peace and development,” pahayag niya.

Samantala, sinabi ng Philippine National Police (PNP) na magtatalaga ito ng mga pulis sa mga lugar kung saan magsasagawa ng Ramadan-related activities.

“Ang pambansang pulisya ay nakikipagdiwang at masaya tayo at makikipag ugnayan tayo sa mga kapatid natin na mga pulis dahil sa pagdiriwang natin, lagi itong napaka espesyal itong event na ito sa kanila itong Ramadan at ang in relation diyan may mga kapatid din tayo at mga Muslim kaya kung ano yung mga ineexpect natin na mga activities related sa Ramadan ay irerespeto natin yan,” pahayag ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo saa isang press briefing. RNT/SA