Home NATIONWIDE Lotto bettors bokya sa P43M lotto jackpots

Lotto bettors bokya sa P43M lotto jackpots

1
0

MANILA, Philippines — Walang nakakuha ng jackpot sa Superlotto 6/49 at Lotto 6/42 draws nitong Huwebes, Hulyo 30, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Hindi nahulaan ng sinumang bettor ang winning combination na 36-25-44-02-47-01 para sa Superlotto 6/49 jackpot na nagkakahalaga ng P25,069,159.31.

Ayon sa PCSO, isa sa bawat 13,983,816 ang tsansang manalo sa Superlotto 6/49. Kailangang maitugma ng bettor ang lahat ng anim na numerong binunot mula 1 hanggang 49 upang makuha ang jackpot.

Noong Linggo, isang mapalad na bettor ang nagwagi ng mahigit P91 milyon sa naturang draw.

Wala ring tumama sa winning combination na 26-17-23-39-15-38 para sa Lotto 6/42 jackpot na P13,369,052.18.

Sinabi ng PCSO na isa sa bawat 5,245,786 ang posibilidad na manalo sa Lotto 6/42 jackpot. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here