MANILA, Philippines – Walang nakasungkit ng jackpot prizes sa major lotto draws ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes, Abril 6.
Ayon sa PCSO, walang nakahula sa winning combination na 13-33-37-10-44-19 para sa Megalotto 6/45 na may jackpot prize na P15,000,000.00.
Wala ring naitalang nanalo sa Grand Lotto 6/55 kaya nananatiling up for grabs ang jackpot prize nitong P45,000,000.00. Ang winning combination nito ay 54-28-47-36-35-29.
Ang Megalotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, habang ang Grand Lotto 6/55 naman ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules, at Sabado. RNT