Home NATIONWIDE Lotto bettors inalat sa P136-M jackpot

Lotto bettors inalat sa P136-M jackpot

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na walang mapalad na nanalo sa tatlong major lotto draw na ginanap noong Martes ng gabi, Abril 23.

Sa Ultra Lotto 6/58 draw, walang nakahula sa winning combination na 31-07-48-15-45-47 na may premyong P87,463,985.20.

Wala ring nanalo sa Super Lotto 6/49 na may winning digit combination na 42-02-44-24-14-16 at may jackpot prize na nagkakahalaga ng P28,023,869.

Wala ring nanalo sa Lotto 6/42 draw na may P20,833,838.40 jackpot price at may winning digit combination na 36-34-14-08-23-31. RNT