Home ENTERTAINMENT Lovi, may international movie na naman!

Lovi, may international movie na naman!

Manila, Philippines- Hindi nakaapekto kay Lovi Poe ang pag-aasawa dahil kahit isa na itong maybahay ay patuloy pa rin ang pagbongga ng kanyang showbiz career. Mas lalo pa siyang bumongga dahil isa na siyang Hollywood actress.

May kasunod na agad ang Hollywood film niyang Bad Man na isa pang international film with Canadian actor, Adam Beach.

Samantala, si Liza Soberano naman ay matagal nang naghahangad na mapansin at maging isang international actress na umaasa pa rn hanggang ngayon although nagkaroon na siya ng isang Hollywood movie, ang Liza Frankenstein.

Sabi ng mga netizen ay mas lamang o angat daw ang morena beauty pagdating sa ibang bansa. Pangkaraniwan na kasi sa ibang bansa ang mestisa beauty.

Yun siguro ang dahilan kung bakit mas pansinin si Lovi.

Anyway, bukod sa international career ni Lovi ay hindi rin nawawalan ng proyekto ang actress sa ating bansa (Pinas).

Katunayan, nasa bansa nga siya ngayon para gawin ang Guilty Pleasure kasama si JM de Guzman at Jameson Blake under Regal Films.

Dalawang buwan magtatagal ng bansa si Lovi at wala namang problema sa mister niyang si  Monty Blencowe since bibisitahin siya nito sa Mayo.

Excited din daw ang mister ni Lovi sa gagawing pelikula dahil kakaiba raw ito sa mga nagawa niyang proyekto.

Masaya si Lovi na kahit may asawa na siya ay nagagawa pa rin niya ang mga bagay na gusto niyang gawin tulad ng pag-arte.

“Alam naman niya yung line of work ko, there`s  no need for approval, he respect my job and then yun, he`s  very excited for me nga to do this project, kasi nga it`s been a while and we got to spend some time together during Christmas, so, sabi ko, it`s time to get back to work,” say ni Lovi.

Pag-amin pa ni Lovi na medyo nakapag-adjust na rin siya sa setup nila ni Monty na back and forth siya sa US and Philippines dahil nandito ang kanyang trabaho.

“Mahirap pero kung gugustuhin, magagawan naman ng paraan. I`m just very happy that I have the support of my husband who pushes me to do what I want,” aniya.

Enjoy daw siya sa kanyang ginagawa  at wala siyang reklamo.

Isang lawyer ang ginagampanan ni Lovi sa  Guilty Pleasure na directed by Connie Macatuno at ang nasabing movie ay isa sa mga pet projects ng producer na si Roselle Monteverde. Gerry Ocampo