Home NATIONWIDE Low-cost iPhone 16e inilunsad ng Apple

Low-cost iPhone 16e inilunsad ng Apple

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Apple ang iPhone 16e nitong Miyerkules upang makipagsabayan sa mid-range smartphone market laban sa Samsung at Huawei.

Ang bagong modelo, na iniwan na ang SE branding, ay may presyong $599 at gumagamit ng A18 chip, na sumusuporta sa Apple Intelligence at may integrated access sa ChatGPT.

Layunin ng Apple na pataasin ang benta sa pamamagitan ng pagpapalawak ng AI features sa kanilang mga device. Gayunpaman, ayon sa mga analyst, posibleng hindi agad maramdaman ang epekto nito.

Ayon sa Counterpoint Research, bumaba mula 10% noong 2016 sa 1% noong nakaraang taon ang kontribusyon ng SE models sa kabuuang kita ng iPhone. RNT