Home NATIONWIDE Jail facilities mahigpit na pinababantayan ni Catapang sa gitna ng pagsirit ng...

Jail facilities mahigpit na pinababantayan ni Catapang sa gitna ng pagsirit ng dengue cases

MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. ang masusing pagtutok sa mga persons deprived of liberty (PDL) maging sa kanilang mga tauhan sa gitna ng tumataas na kaso ng dengue.

Sa kautusan ni Catapang sa mga chief of health service sa lahat ng pasilidad, kailangan i-monitor ang anumang senyales ng dengue para makagawa ng preventive actions. Dapat din aniyang iulat agad ang mga kumpirmadong kaso sa local authorities sa loob ng 24 oras.

Iginiit ni Catapang ang kahalagahan ng pagpapatupad ng preventive measures para masugpo ang posibleng pagkalat ng dengue sa mga pasilidad.

Nababahala si Catapang sa posibilidad ng mabilis na pagkalat ng dengue sa mga piitan dahil sa problema ng siksikan.

Nitong nakaraang linggo, nagdeklara ang Quezon City ng dengue outbreak bunsod ng pagtaas ng mga kaso.

Sinabi ng Department of Health na walong lugar pa sa bansa ang maaring mag-anunsyo ng dengue outbreak. Teresa Tavares