Home NATIONWIDE LPA, 3 pang weather system magpapaulan sa Pinas

LPA, 3 pang weather system magpapaulan sa Pinas

281
0

MANILA, Philippines – Apat na weather system — ang Low Pressure Area (LPA), shear line, northeast monsoon o amihan, at easterlies — ang magdadala ng mga pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng Luzon ngayong Martes, ayon sa PAGASA.

Natukoy ang LPA sa layong 390 kilometro kanluran ng Puerto Princesa City at magdudulot ito ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at thunderstorms sa Kalayaan Islands, kasama ang banta ng flash floods o landslide.

Magdudulot naman ang shear line ng kalat-kalat na ulan at isolated thunderstorms sa Cordillera Administrative Region, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, at Quezon. Samantala, makararanas ng mahinang pag-ulan ang Batanes at Ilocos Norte dahil sa amihan.

Inaasahan din ang isolated light rains sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Ilocos Region, at Central Luzon. Sa Bicol Region at Eastern Visayas, posibleng magkaroon ng isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies, habang ang natitirang bahagi ng bansa ay makakaranas ng katulad na panahon dahil sa localized thunderstorms.

Katamtaman hanggang malakas na hangin na may maalon hanggang napakaalon na karagatan ang aasahan sa hilaga at silangang Luzon, habang mas banayad ang hangin at bahagyang maalong dagat sa iba pang bahagi ng bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here