MANILA, Philippines – Iiral sa bansa ngayong araw, Hunyo 17, ang Low Pressure Area (LPA) na namataan sa coastal waters ng Corcuera, Romblon na magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, habang easterlies naman ang makakaapekto sa silangang bahagi ng bansa.
Ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Zambales, Bataan, Pampanga, at Bulacan ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa LPA.
Maulap na kalangitan din na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang mararanasan sa Isabela, Quirino, at Aurora dahil sa easterlies.
Samantala, ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms.
Habang ang Visayas at Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil din sa easterlies. RNT/JGC