Home OPINION LPA, HABAGAT, BAHA AT GHOST ANTI-FLOOD

LPA, HABAGAT, BAHA AT GHOST ANTI-FLOOD

239
0

MAGHAPON na umulan kahapon dahil sa low pressure area o posibleng bagyo at habagat.

Sa ilalim ng LPA at habagat, sinakop ng katamtaman at malalakas na ulan ang halos Luzon samantalang habagat ang tumama sa Kabisayaan at Mindanao.

Siyempre pa, nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ng mga baha at landslide.

Dahil sa masamang panahon, maraming iskul ang nagsuspinde ng klase para hindi mapahamak ang mga estudyante, guro at empleyado nila.

Bukod sa problema sa transportasyon at trapik tuwing may LPA, ulan, baha at landslide, iniwas din sila sa mga sakit kagaya ng gobyerno sa mga sakit gaya ng leptospirosis, trangkaso, sipon at iba pa.

Kasama sa mga nagsuspinde ang Caloocan, Las Piñas, Malabon, Manila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Pasay, Pasig, Parañaque, San Juan, Sta. Rosa, Laguna, Albay, Castilla at Sorsogon.

All levels, public at private karamihan ang suspensyon at ganito katindi ang epekto ng masamang panahon.

Kung iisipin, mga brad, hindi ganito katindi ang pag-aalala sa masamang panahon kung naging tapat lang ang mga opisyal ng bayan sa pakikibaka laban sa baha at landslide na dulot ng masamang panahon.

Ang siste, inuna pa ng mga korap, mandarambong at pabaya na bahain ng salapi ang kanilang mga bulsa kaysa pigilin o labanan ang baha.

At ang nakaririmarim, ang nakamamatay na baha at landslide pa ang idinadahilan ng mga korap, mandarambong at pabaya para magkasalapi.

Ipinagbubulsa nila ang malaking tipak ng P350 bilyong anti-flood projects sa nakaraang tatlong taon sa pamamagitan ng ghost, substandard, putol-putol at iba pa pang nasabing proyekto.

Mismong si Pangulong Bongbong Marcos at mga senador ang nakakikita at nag-iingay na sa mga proyektong ito at nakapagtatakang higit na nakararaming kongresman, kasama ang mga taga-Department of Public Works and Highways, ang nakasiper sa bibig.

Pisting yawa!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here