MANILA, Philippines – Isang maswerteng mananaya ang nanalo ng P386-million Ultra Lotto jackpot nitong Biyernes, Agosto 22, 2025, inihayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Pinili ng isang taya ang winning combination na 01-34-44-27-57-16 sa Ultra Lotto 6/58 jackpot prize na P386,153,104.80.
Wala namang nanalo sa Megalotto 6/45 jackpot na P17,049,877.20, na may winning combination na 40-33-42-06-20-17. RNT/MND