MANILA, Philippines – Magdadala ng pag-ulan sa Luzon, Mindanao at silangang bahagi ng Visayas ang low pressure area at Southwest Monsoon o Habagat ngayong Martes, Agsoto 26.
Huling namataan ang LPA sa coastal waters ng Paracale, Camarines Norte at may katamtamang tsansa na maging isang tropical depression sa susunod na 24 na oras.
Dahil dito, inaasahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, CALABARZON, Bicol Region, at Eastern Visayas dahil sa LPA.
Ang MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, BARMM, Northern Mindanao, Caraga, at nalalabing bahagi ng Visayas naman ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa Southwest Monsoon o Habagat.
Samantala, ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC