MANILA, Philippines – Lalo pang pinalawak ng Philippine Coast Guard (PCG) ang presensya nito para sa seguridad at proteksyon ng publiko.
Ito ay sa pamamagitan ng inilunsad na Intensified Community Assistance Awareness Rescue and Enforcment o iCARE program.
Sinabi ni PCG spokesperson Capt. Naoemie Cayabyab, na ang layunin talaga ng iCare ay upang palawakin ang presensya lalo na sa mga coastal community.
“Sabi nga ng aming commandant na si Admiral Gavan– we wanted the Filipinos to feel thaht every time they see a costguardian they are safe and secured,” ani Cayabyab.
Aniya, ang programang ito ay sa pakikipagtulungan na rin sa mga komunidad at pahuhusayin ang public awareness initiative kasama na ang kanilang layunin na makabuluhang taasan ang kanilang pakikipag-ugnayan sa komunidad habang pinapabuti ang oras ng pagtugon sa maritime incident. Jocelyn Tabangcura-Domenden