Home NATIONWIDE LPA magpapaulan sa Visayas, 4 pang lugar

LPA magpapaulan sa Visayas, 4 pang lugar

MANILA, Philippines- Magdudulot ng pag-ulan ang low pressure area (LPA) sa northwest ng Zamboanga del Norte sa Visayas at apat pang lugar ngayong Linggo, ayon sa PAGASA.

Inaasahan sa Visayas, MIMAROPA, Bicol Region, Batangas, at Quezon ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa LPA.

Nitong alas-3 ng umaga, ang LPA ay tinatayang 310 km Northwest ng Dipolog City, Zamboanga del Norte o 55 km South Southeast ng Cuyo, Palawan (10.4°N, 121.2°E).

Makaaapekto naman ang easterlies sa natitirang bahagi ng bansa, base sa PAGASA.

Makararanas ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms.”

Ang coastal waters ay magiging slight to moderate sa buong bansa.

Sumikat ang araw ng alas-5:32 ng umaga at lulubog ng alas-6:14 ng hapon. RNT/SA