Home NATIONWIDE LPA nasa Eastern Samar na – PAGASA

LPA nasa Eastern Samar na – PAGASA

104
0

MANILA, Philippines – Namataan ang Low Pressure Area sa baybayin ng Guiuan, Eastern Samar bandang alas-3 ng hapon nitong Miyerkules, Hulyo 17.

Inaasahang magdadala ng mga pag-ulan ang LPA sa Bicol Region, Visayas, Caraga, Marinduque, at Romblon, habang trough ng LPA naman ang magpapaulan sa Cagayan, Isabela, Quirino, Aurora, Laguna, Rizal, at Quezon.

Posibleng maranasan din ang maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Metro Manila, Bataan, Cavite, Batangas, nalalabing bahagi ng MIMAROPA, at nalalabing bahagi ng Mindanao dahil sa naturang sama ng panahon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here