MANILA, Philippines- Inaasahang magiging isang tropical cyclone ang low pressure area sa silangan ng bansa, ayon sa weather bureau PAGASA nitong Sabado ng umaga.
”This weather disturbance has a high chance of developing into a tropical cyclone within the next 12 hours,” ayon sa abiso ng PAGASA.
Huling namataan ang LPA, pumasok sa Philippine Area of Responsibility ng alas-2 ng madaling araw, 1,170 kilometers sa silangan ng Southeastern Luzon. Tatawagin itong Nika kapag naging tropical cyclone.
Binabantayan din ng PAGASA ang LPA halos 2,870 km sa silangan ng northeastern Mindanao.
“It has little chance of turning into a tropical cyclone in the next 24 hours, but it will gradually strengthen over the next few days,” ani PAGASA weather specialist Daniel James Villamil.
Samantala, namataan si Bagyong Yinxing, dating Marce, 500 km sa kanluran ng Laoag City (sa labas ng PAR), na may maximum sustained winds na 155 km/h at gustiness hanggang 190 km/h. Kumikilos ito sa direksyong west northwestward sa bilis na 20 km/h. RNT/SA