MANILA, Philippines – Ang Low Pressure Area (LPA) na matatagpuan sa kanluran ng Subic Bay ay naging tropical depression at pinangalanang Jacinto, sinabi ng state weather bureau PAGASA Huwebes ng umaga.
“At 8:00 AM today, the Low Pressure Area west of Subic Bay developed into Tropical Depression ‘JACINTO,’” saad ng PAGASA.
“Tropical Cyclone Bulletins will be issued beginning at 11:00 AM today. All are advised to monitor updates from DOST-PAGASA,” dagdag nito.
Sa kanilang 5 a.m. bulletin, sinabi ng PAGASA na maulap na papawirin na may kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang inaasahan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya na may posibilidad ng flash floods o landslides na magaganap dahil sa katamtamang pag-ulan.
Ang Visayas, MIMAROPA, Bicol Region, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, at Quezon ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog na posibleng magkaroon ng flash flood o landslide dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.
Ang Metro Manila at ang nalalabing bahagi ng Luzon ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.
Ang nalalabing bahagi ng Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog. RNT/MND