Home NATIONWIDE LPA sa labas ng PAR, bagyo na; isa pang LPA posible ring...

LPA sa labas ng PAR, bagyo na; isa pang LPA posible ring maging bagyo – PAGASA

327
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration nitong Huwebes ng hapon, na ang  low-pressure area na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility ay lumakas na at naging tropical depression.

Sinabi ni PAGASA weather specialist Leanne Loreto na ang nasabing sama ng panahon ay matatagpuan 2,730 kilometro silangan ng Hilagang Luzon at sa ngayon ay wala pang direktang epekto sa bansa. Gayunpaman, inaasahang kikilos ito pa-kanluran patungong Philippine Sea at maaaring pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa mga susunod na araw. Kapag ito ay nanatiling tropical cyclone pagpasok, papangalanan itong “Fabian.”

Samantala, ang isa pang low-pressure area na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility ay namataan sa baybayin ng San Fernando City, La Union. Kumikilos ito pa-kanluran at maaaring lumabas ng Philippine Area of Responsibility sa pagitan ng Biyernes at Sabado, Agosto 8 hanggang 9.

May malaki itong tsyansa na maging bagyo rin, dagdag pa ng PAGASA.

Sa susunod na 24 oras, inaasahang magdadala ito ng kalat-kalat hanggang malawakang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Ilocos Region at Zambales. Maaaring makaapekto rin ang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Albay, Sorsogon, at Masbate.

Magdadala rin ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang habagat sa Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Palawan, at Davao Oriental. Ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga panaka-nakang pag-ulan o thunderstorm.

Nagbabala ang PAGASA sa publiko na maging alerto sa posibleng flash floods at landslide, lalo na kapag may katamtaman hanggang malakas na pag-ulan o matinding thunderstorm. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here