MANILA, Philippines- Magpapaulan ang Low Pressure Area (LPA) [dating “QUERUBIN”], shear line, amihan sa ilang bahagi ng bansa ngayong Huwebes, ayon sa PAGASA.
Nitong alas-3 ng Miyerkules, ang LPA ay tinatayang 245 kilometers sa silangan ng Surigao City, Surigao del Norte, makaaapekto ang Shear Line sa eastern section ng Southern Luzon habang iiral ang Northeast Monsoon (amihan) sa natitirang bahagi ng Luzon.
Inaasahan sa Eastern Visayas at Caraga ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa LPA.
Makararanas naman ang natitirang bahagi ng Visayas at Mindanao ng maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa trough ng LPA.
Magiging maulan din sa Bicol Region at Quezon dahil sa Shear Line.
Nakaamba sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Aurora, Oriental Mindoro, Marinduque, at Romblon ang maulap na kalangitan at mahinang pag-ulan dahil sa Northeast Monsoon.
Nagbabadya sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil sa Northeast Monsoon.
Makararanas ang northern at western sections ng Northern Luzon ng strong to gale wind speed patungong northeastward na may rough to very rough coastal waters.
Iiral sa eastern section ng bansa ang moderate to strong wind speed patungong northeastward na may moderate to rough coastal waters.
Sa natitirang bahagi ng bansa, magkakaroon ng light to moderate wind speed patungong northeast to northwest direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.
Sumikat ang araw ng alas-6:15 ng umga at lulubog ng alas-5:31 ng hapon. RNT/SA