Home NATIONWIDE LPA, Southwest Monsoon magpapaulan sa Luzon

LPA, Southwest Monsoon magpapaulan sa Luzon

215
0

MANILA, Philippines- Magpapaulan ang low pressure area (LPA) at ang Southwest Monsoon (Habagat) sa ilang bahagi ng Luzon ngayong Lunes, ayon sa PAGASA.

Inaasahan sa Ilocos Region, Abra, at Benguet ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa LPA.

Nakaamba naman sa Pangasinan ang 50 hanggang 100 mm ng ulan ngayong araw, base sa PAGASA.

Ang LPA ay tinatayang nasa 85 km west northwest ng Bacnotan, La Union o 255 km northwest ng Baler, Aurora kaninang alas-3 ng madaling araw, base kay PAGASA weather specialist Obet Badrina.

“Posible pa rin itong maging bagyo sa mga susunod na araw,” wika ni Badrina.

“Kikilos ito pakanluran papalayo sa kalupaan ng ating bansa,” dagdag niya.

Samantala, makaaapekto ang Southwest Monsoon sa natitirang bahagi ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao ngayong araw.

Ang coastal waters ay magiging moderate to strong sa western sections ng Southern Luzon at Visayas, at slight to moderate sa natitirang bahagi ng bansa. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here