Home NATIONWIDE LPA trough, easterlies magpapaulan sa ilang bahagi ng Pinas

LPA trough, easterlies magpapaulan sa ilang bahagi ng Pinas

MANILA, Philippines- Magdudulot ng mahinang pag-ulan ang Northeast Monsoon (amihan) sa Northern at Central Luzon habang magpapaulan din ang trough ng isang Low Pressure Area (LPA) sa Southern Mindanao ngayong Sabado, ayon sa PAGASA.

Samantala, ang lungsod/bayan na may pinakamababang naitalang temperatura nitong Biyernes ay Baguio City sa 14.0°C noong alas-6 ng umaga.

Magiging maulap ang kalangitan sa Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa trough ng LPA.

Inaasahan sa Eastern Samar, Southern Leyte, Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Davao Oriental ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil naman sa easterlies.

Magiging maulap ang kalangitan sa Cagayan Valley, Aurora, at Quezon na may mahinang pag-ulan dahil sa monsoon.

Sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at natitirang bahagi ng Central Luzon naman, nagbabadya ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dahil din sa monsoon.

Makararanas ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies at localized thunderstorms.

Ang wind speed forecast para sa eastern sections ng Southern Luzon, Visayas, at Mindanao ay “moderate to strong” patungong east to northeast direction habang ang coastal waters ay magiging moderate to rough.

Iiral naman sa natitirang bahagi ng bansa ang “light to moderate” wind speed patungong east to northeast direction habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:24 ng umaga at lulubog mamayang alas-5:56 ng hapon. RNT/SA

Previous articlePinas ika-115 sa 180 bansa sa 2023 Corruption Perceptions Index
Next articleDekriminalisasyon ng libel inihirit ni UN special rapporteur Khan