MANILA, Philippines- Pumwesto ang Pilipinas sa ika-115 mula sa 180 bansa at teritoryo sa 2023 Corruption Perceptions Index of Transparency International, na may puntos na 34 sa 100.
Bagama’t tumaas ang score nito ng isang puntos mula sa 33 noong 2022, nananatili itong mas mababa sa global average score na 43.
Ayon sa Transparency International, ang Corruption Perceptions Index (CPI) “is the most widely used global corruption ranking in the world” at “measures how corrupt each country’s public sector is perceived to be, according to experts and business people.”
Sa scale na 0-100, binibigyan ng puntos ang isang bansa batay sa perceived level ng public sector corruption, kung saan nangangahulugan ang 0 ng “highly corrupt” at 100 ng “very clean.”
Batay sa ulat report: “Over two-thirds of countries score below 50 out of 100, which strongly indicates that they have serious corruption problems. The global average is stuck at only 43, while the vast majority of countries have made no progress or declined in the last decade.“
Sa mga nakalipas na taon, nakakuha ang Pilipinas ng score na 34 noong 2019 at 2020, at 33 noong 2021 at 2022.
Ginagamit ng CPI ang data sources saklaw ang mga sumusunod na manipestasyon ng public sector corruption:” Bribery, Diversion of public funds, Officials using their public office for private gain without facing consequences; Ability of governments to contain corruption in the public sector; Excessive red tape in the public sector which may increase opportunities for corruption; Nepotistic appointments in the civil service; Laws ensuring that public officials must disclose their finances and potential conflicts of interest; and Legal protection for people who report cases of bribery and corruption,” at iba pa. RNT/SA