Home METRO 4 nawawala sa lumubog na fishing vessel

4 nawawala sa lumubog na fishing vessel

MANILA, Philippines- Nagsagawa ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard ng search and rescue operations upang matunton ang apat na nawawalang indibidwal matapos lumubog ang sinasakyang fishing vessel sa katubigan ng Zamboanga City nitong Huwebes.

Ayon sa ulat ng PCG, lumubog ang fishing vessel RCT-999 sa bisinidad ng Tumalutab, Payao, Zamboanga City sakay ang kabuuang 38 indibidwal.

Agad na rumesponde ang Coast Guard Substation Sangali upang hanapin ang mga nawawalang pasahero at asistihan ang iba pa.

Mahigpit na binabantayan ng Coast Guard Southwest Mindanao ang lugar upang tugunana ang potensyal na oil spills at marine protests mula sa insidente. RNT/SA

Previous articleALAMIN: Mga kalsada sa EDSA, Taft Avenue na masasagasaan ng reblocking, road repairs
Next articlePinas ika-115 sa 180 bansa sa 2023 Corruption Perceptions Index