Home METRO ALAMIN: Mga kalsada sa EDSA, Taft Avenue na masasagasaan ng reblocking, road...

ALAMIN: Mga kalsada sa EDSA, Taft Avenue na masasagasaan ng reblocking, road repairs

MANILA, Philippines- Magsasagawa ng reblocking at road repairs ngayong weekend sa kahabaan ng EDSA, Taft Avenue, at Rizal Avenue, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes.

Sumasailalim ang mga sumusunod na lugar sa road works simula alas-11 ng gabi nttong Feb. 2, Biyernes, hanggang alas-5 ng umaga sa Feb. 5, Lunes:

  • EDSA southbound, after Cabrera Street, outer lane, Pasay City

  • Taft Avenue corner Pedro Gil Street, Manila City

  • Rizal Avenue southbound, from N. Carpio to near 5th Avenue, Caloocan City

  • EDSA northbound, between G. De Jesus Street to Gen. Mascardo Street (fifth lane from sidewalk), Caloocan City

Inabisuhan naman ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta sa nasabing period. RNT/SA

Previous articlePINAS MAYAMAN PERO PURDOY; BAKIT KAYA?
Next article4 nawawala sa lumubog na fishing vessel