
KATATAPOS pa lang ang Enero 2024 ngunit nagsilabasan na ang mga ulat sa pinakamayayamang tao at kompanya sa mundo.
Saan nakapwesto ang buong Pilipinas?
Para maging malinaw agad ang usapan, nasa US$435 bilyon ang kabuuang halaga ng produkto at serbisyo sa Pinas o ‘yung tinatawag na Gross Domestic Product na gawa ng gobyerno, pribadong kompanya at mamamayang Pinoy.
Tingnan natin.
Itong Shell Corporation, may yamang US$443B pero higit na malaki ang Saudi Aramco na may yamang US$$652.8B at parehong kompanya ng langis at lagpas sa US$435B GDP ng Pinas.
Pero mas mayaman pa rin sa mga ito ang NVIDIA sa yaman nitong US$1.22 trilyon mula sa gaming o palaro sa computer, artificial intelligence, sistemang computer sa driverless o autonomous driving na mga sasakyan at iba pa. Mahigit doble ang yaman ng NVDIA sa US$435B GDP.
Kapag pinagsama mo naman ang $229B ni Elon Musk na may-ari ng Tesla at Space X at X na social media at US$21B ng Toyota na may kabuuang halagang US$450B, lunod ang US$435B GDP.
Kapag pinagsama mo naman ang US$179B ni Bernard Arnault, US$141B ni Bill Gates at US$128B ni Mark Zuckerberg, may kabuuang US$448B at lagpas sa US$435B GDP natin.
May-ari si Arnault ng mga sosyal na produkto gaya ng Louis Vuitton, Bulgari, Dior; si Gates naman, computer; at si Zuckerberg, social media na Meta/Facebook at lahat nasa Pinas ang produkto at serbisyo ng mga ito sa Pinas.
‘Di ba napakayaman ang Pinas, napakasisipag ang mga Pinoy at iba pa?
Ngunit bakit mas mayaman pa ang isang tao o kompanya kumpara rito?
Ano-ano kaya ang mga problema at hindi tayo makaangat-angat gaya ng mga tao at kompanyang nabanggit?
Sa kasaysayan, daan-daang taong inangkin ng mga dayuhan ang yaman ng bansa.
Kinambalan ito ng mga korap mula sa pamahalaan na problema hanggang ngayon.
Sa parte ng mga mamamayan kaya?