MANILA, Philippines – Nag-anunsyo ang mga kumpanya ng langis ng isa pang yugto ng pagtaas ng presyo sa mga produktong liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Agosto.
Sa isang advisory, sinabi ng Solane na magtataas ito ng presyo ng kanilang cooking gas ng P0.27 kada kilo simula alas-6 ng umaga ng Huwebes, Agosto 1, 20204.
Samantala, sinabi ng Petron Corporation na tataas ng P0.30/kg ang presyo ng LPG nito simula 12:01 ng umaga sa parehong araw.