Home OPINION DIALYSIS CENTER NG ‘ACTION MAN’

DIALYSIS CENTER NG ‘ACTION MAN’

179
0

KAMAKAILAN lamang, nagdonate ng tatlong (3) ektaryang lupain si Indang ABC President Lion Kap Virgilio Vergel alyas “Kapitan Vergel” upang maisakatuparan ang Pambansang Pabahay Program ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. sa bayan ng Indang, Cavite at ngayon naman ay isa pang kapaki-pakinabang na proyekto ang kanyang inialay sa kanyang mga kababayan.

Opisyal na pinasinayaan noong Hulyo 19, araw ng Biyernes, ang Dialysis Center ni Kapital Vergel na kilala rin bilang “Action Man” ng Indang. Ang dialysis center na handog ni Kapitan Vergel sa kanyang mga kababayan ay pangangasiwaan ng North East Dialysis Center.

Ang Dialysis Center na binuksan sa kagandahang loob ng butihing Kapitan ay isang lumang Barangay Hall ng Calumpang Cerca sa Indang, Cavite na kanyang pinamumunuan na isinaayos upang gawing dialysis center ng Indang.

Sa ginanap na pasinaya, dumating ang “Ama ng Lalawigan ng Cavite” na si Governor Juanito Victor “Jonvic” Remulla na siyang nanguna sa ribbon cutting at nagbigay ng magandang mensahe at pagbati sa mahusay na proyekto ni Kapitan Vergel.

Naroon din sina Board Member Abeng Remulla, Tanza Vice Mayor SM Matro, Indang Mayor Pecto Fidel, Konsehal Ferdi Papa, Konsehal Nilo Telmo, Konsehal Ave Kasaysayan, Konsehal Onad Bernarte, Konsehala Issel Borja, Konsehal Amil Herrera, Konsehal Danny Masangcay, SK President Junnuel Ayos, dating SK President Keann Feraer at iba pa.

Dumating din ang Barangay Chairmen mula sa 36 barangay ng Indang sa pamumuno syempre ni ABC President Kapitan Vergel Fidel kasama ang kanyang mabait na maybahay na si Madam Nedilyn Fidel.

Layon ng action man ng Indang na maserbisyuhan ang kanyang mga kababayan. Subalit pwede rin ang iba pang pasyente mula sa ibang bayan ng Cavite, Mayroong 10 dialysis machine ang North East Dialysis Center na kayang magbigay ng serbisyo sa hanggang 30 pasyente sa bawat araw. Inaasahang fully operational na  sa susunod na buwan ang dialysis center na itinatag ni Kapitan Vergel para sa kanyang mga kababayan.

Hindi maitatanggi na sadyang makabuluhan at malaking tulong sa kanyang mga kababayang may sakit na nangangailangan ng dialysis ang proyekto ni Kapitan Vergel na lubhang napakalaki ng puso para sa kanyang mga kababayang nangangailangan at mahihirap.

Samantala, sa mensahe ni Gov. Jonvic Remulla bukod sa pagpuri niya sa proyektong dialysis center na ito ni Kapitan Vergel ay naihayag na rin niya na si Kapitan Vergel Fidel ang kanyang susunod na susuportahan bilang kandidatong Mayor sa halalan sa Mayo 2025.

Sa dami ng mga proyekto at programa ni Kapitan Vergel, tulad nang pamimigay ng tulong o ayuda sa mga nangangailangan, pagbigay ng lupa para magamit sa pabahay at pagtatatag ng dialysis center, wala pa akong nakita o kilalang tao na nakahihigit o makakapantay man lamang pagdating sa usapin ng pagtulong, pagmamalasakit sa kapwa at serbisyo-publiko na tulad nang ginagawa ng isang Lion Vergel Fidel na aktibong kaanib din ng Indang Cavite Highlands 103 Lions Club. Maraming salamat at Mabuhay ka Kapitan Vergel “Action Man” Fidel.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here