Home NATIONWIDE LRT-2 may alok na libreng sakay sa mga babaeng pasahero

LRT-2 may alok na libreng sakay sa mga babaeng pasahero

MANILA, Philippines – May libreng sakay na handog ang Light Rail Transit 2 o LRT-2 sa lahat ng kababaihang pasahero sa Sabado, Marso 8 bilang bahagi ng selebrasyon ng Women’s Day.

Magsisimula ang libreng sakay alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi sa lahat ng LRT-2 stations.

Mayroon ding libreng gupit sa 30 kababaihang pasahero sa piling LRT-2 stations sa mga sumusunod na mga petsa.

Marc 12-Antipolo Station

March 19 – Cubao Station

March 26 – Recto Station

Magbibigay din ng rosas o bulaklak ang pamunuan ng LRT-2 sa mga kababaihang pasahero sa Antipolo Stations sa Marso 5.

Bukod dito, narito ang iba pang mga pribilehiyo na maaaring mapakinabangan ng kababaihang Pilipino ngayong Women’s Month:

*Priority lane sa National Museum sa lahat ng Biyernes ng Marso

*Libreng pag-iisyu ng mga dokumento sa rehistrasyon ng sibil para sa unang 100 babaeng nakikipagtransaksyon sa lahat ng outlet ng Philippine Statistics Authority CRS sa Metro Manila (Marso 3,10, 24, 27)

*Libreng pagpasok sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center (Marso 8)

*Espesyal na priority lane para sa mga babaeng kliyente sa Department of Environment and Natural Resources CENRO Olongapo City (Marso 3-7)

*Pamimigay ng seedlings at priority lane sa mga babaeng kliyente ng DENR PENRO Rizal (Marso 1-31). Jocelyn Tabangcura-Domenden