Home ENTERTAINMENT LT, expectant grandma sa unang apo na lalaki!

LT, expectant grandma sa unang apo na lalaki!

163
0

Manila, Philippines – Baby boy ang inaaasahang iluluwal ng manugang ni Lorna Tolentino.

Kammakailan nga’y ikinasal na sina Renz Fernandez at Jef Gaitan.

Hindi maikakaila na pitong buwan nang buntis si Jef whose due date is in September.

Ang iluluwal ni Jef ay ang kauna-unahang lalaking apo ni Ms. LT.

Dalawang babae ang apo ng aktres sa panganay na si Rap Rap Fernandez.

Sa madaling salita, ang first grandson ni Lorna ang siyang magpapatuloy ng lahi ng yumaong asawang si Rudy Fernandez.

This early, naisip na rin ng mag-asawang Renz at Jef kung ano ang kanilang ipapangalan sa baby: Rodolfo Victor.

Hango ang Rodolfo sa pangalan ni Daboy samantalang mula naman sa Victoria na pangalan ni LT ang Victor.

When not busy with her showbiz commitments, abala si Lorna sa pag-aalaga ng kanyang mga apo kay Rap Rap, o’di naman kaya’y lagi lang sa kanilang farm sa Alfonso, Cavite. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here