Home NATIONWIDE CBCP: Epekto ng diborsyo sa lipunan pag-aralan muna

CBCP: Epekto ng diborsyo sa lipunan pag-aralan muna

193
0

MANILA, Philippines- Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa divorce advocates na pag-isipang mabuti ang mga epekto ng panukala sa lipunan.

Sa pastoral letter na inilabas noong Huwebes matapos ang ika-128 na Plenary Assembly nito, sinabi ng Kumperensya na hindi kailangang madaliin ang pagpasa ng panukala at ang mga Pilipino ay dapat magpigil sa sarili bago tumawag para sa pagsasabatas nito.

Binanggit din ng CBCP na delikado para sa gobyerno na gawing madali para sa mga mag-asawang nagkakaroon ng problema sa kanilang relasyon “to civilly dissolve” ang kanilang kasal.

Idinagdag ng CBCP na ang pagpapahintulot sa diborsiyo ay hindi isang garantiya na ang mga susunod na kasal ay magiging mas mahusay kaysa sa mga nauna.

Kasabay nito, nagpahayag ng pasasalamat ang pinuno ng Simbahan sa pagkilos ng mga layko na magsagawa ng mga talakayan sa panukalang batas.

“As spiritual and moral leaders of the Church, we can only propose but never impose. We can only motivate our faithful to actively participate in reasoned public discourse as citizens,” ayon sa CBCP.

Noong Mayo 22, inaprubahan ng Kamara ang Bill 9349 o Divorce Bill sa ikatlo at huling pagbasa.

Ipinadala ang panukalang batas sa senado noong nakaraang buwan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here