Home HOME BANNER STORY LTFRB aayuda ng tig-P400K sa bawat pamilya ng nasawi sa SCTEX accident

LTFRB aayuda ng tig-P400K sa bawat pamilya ng nasawi sa SCTEX accident

Magbibigay ang Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ng ₱400,000 sa bawat pamilya ng 10 nasawing pasahero sa karambola sa SCTEx noong Mayo 1, 2025.

Ayon sa imbestigasyon, bumangga ang bus ng Solid North sa isang nakahintong SUV sa toll plaza, na naging sanhi ng banggaan ng iba pang sasakyan. 37 ang nasugatan.

Inatasan ni LTFRB Chair Teofilo Guadiz III ang PAMI na agad tugunan ang mga pangangailangan ng mga biktima.

Sinuspinde na rin ang prangkisa ng bus operator habang iniimbestigahan ang insidente. Santi Celario