MANILA, Philippines – Maghahain ang Philippine National Police ng kahilingan para tanggalin si Alvin Que (anak ni negosyanteng Anson Que) sa listahan ng mga respondent sa kasong kidnap-slay dahil walang sapat na ebidensyang sumusuporta sa mga paratang ni David Tan Liao.
Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, walang direktang ebidensya na nag-uugnay kay Alvin sa krimen.
“Walang direktang ebidensya na maglilink kay Alvin Que dito sa nangyaring pangingidnap sa kanyang ama,” ani Fajardo sa isang press briefing sa Camp Crame.
“We are considering that but we also have to consider that we have to take the whole statement of Liao not only with regard doon sa sinasabi niya at allegations si Alvin Que yung nag utos siya.”
Nilinaw din ng abogado ni Alvin, na si Kit Belmonte, na isusumite ng PNP ang kaso sa Department of Justice (DOJ) para baguhin ang reklamo at alisin ang pangalan ng kliyente mula sa listahan.
Nakipagtulungan na rin si Alvin sa mga awtoridad at isinailalim ang kanyang telepono sa forensic examination. Santi Celario