Home ENTERTAINMENT Angelika kinasuhan sa OmbudsmanENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Angelika kinasuhan sa OmbudsmanMay 2, 2025 08:23 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Politically motivated nga lang ba ang pagsasampa ng kaso laban kay Angelika de la Cruz?Nitong April 28, Lunes ay pormal na nahaharap ang aktres at Baranga Longos chairwoman sa plunder case sa Office of the Ombudsman.Nag-ugat ang kaso sa umano’y plunder o pandarambong ni Angelika na aabot sa P70 million in public funds.Bukod dito’y sinampahan din ang aktres-pulitiko ng neglect of duties.Kabilang dito ang unofficial leave nito bunga umano ng madalas na pagbibiyahe.Kasama rin ang unauthorized transfer ng kanyang tungkulin sa kanyang kapatid na si Erick na isa sa pitong kagawad ng Barangay Longos.Dahil parating wala si Angelika sa barangay hall, si Kagawad Erick daw ang nakapirma sa mga opisyal na dokumento.Labis namang ikinagulat ng mga taga-Malabon City ang malaking pondo ng isa sa mga barangay nito.Kinundena naman nila ang umano’y pandarambong ng inakala pa mandin nilang matinong kapitan, na hindi raw nalalayo sa maraming korap na trapo sa bansa.Tumatakbong vice mayor ngayon si Angelika.Bukas ang Remate Online sa kanyang paliwanag ukol sa ikinaso sa kanya. Ronnie Carrasco III