Home NATIONWIDE LTFRB muling nagpaalala sa April 30 PUV consolidation deadline

LTFRB muling nagpaalala sa April 30 PUV consolidation deadline

MANILA, Philippines — Muling nanawagan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nitong Lunes sa mga public utility jeepney (PUJ) operators na samantalahin ang extension para sa konsolidasyon na ibinigay ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na magtatapos sa Abril 30.

Sinabi ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III na kapag natapos na ang extension, hindi na papayagang mag-operate ang mga PUJ na hindi nag-consolidated ng prangkisa.
ADVERTISING

“I have to reiterate again, hanggang April 30 na lang ito. We need to consolidate kasi yun ang unang part ng modernization, before the fleet management would come in… We will revoke those franchises and we will only allow those who consolidating to ply the routes of Metro Manila,” ni Guadiz.

Ang ilang transport group, kabilang ang MANIBELA, ay matatag sa kanilang pagtutol sa pagsasama-sama ng mga prangkisa, at sinabing maglalagay sila ng dalawa pang protesta bago ang deadline. RNT