Home NATIONWIDE LTFRB: Walang surge sa motorcycle taxis sa NCR

LTFRB: Walang surge sa motorcycle taxis sa NCR

MANILA, Philippines – Itinanggi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga pahayag na mayroon umanong surge sa bilang ng mga motorcycles for hire sa Metro Manila.

Anang ahensya, walang naging pagtaas sa bilang nito sa nakalipas na tatlong taon.

“[The] LTFRB did not increase the number of MC taxis in the National Capital Region (NCR). It has been pegged at 45,000 three years ago [and] it still stands at 45,000. All the allegations are false and misleading,” saad sa pahayag ni LTFRB Chair Teofilo Guadiz II nitong Lunes, Nobyembre 25.

Ang pahayag ni Guadiz ay tugon nito sa alegasyon ni Boy Vargas, pangulo ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines, kung saan namonitor umano nila ang “significant increase” sa bilang ng MC taxis. RNT/JGC