Home NATIONWIDE Serbisyo sa Sulu pananatilihin ng BARMM

Serbisyo sa Sulu pananatilihin ng BARMM

MANILA, Philippines – Sa kabila ng ruling ng Korte Suprema na nag-aalis sa Sulu sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), isinama pa rin ng regional government ang probinsya sa badyet nito para sa mga programa, aktibidad at proyekto sa 2025, sinabi ni Interim Chief Ahod Ebrahim.

Ito ang siniguro ni Ebrahim matapos na maglabas ng direktiba si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Nobyembre na nag-oobliga sa lahat ng local at national government entities sa rehiyon na ipagpatuloy ang paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan sa Sulu.

Ayon sa BARMM Interim Chief, malugod nitong tinatanggap ang direktiba ng Pangulo.

Sa katunayan, isinama ng Bangsamoro Government sa mga programa nito, aktibidad at proyekto ang Sulu sa expenditure program ng Bangsamoro.

Kamakailan ay siniguro ng mga opisyal ng Bangsamoro na walang magiging antala sa paglalabas ng mga sahod at benepisyo ng nasa 5,700 manggagawa sa iba’t ibang opisina ng BARMM sa Sulu sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema. RNT/JGC