MANILA, Philippines – Nasa 17 pang gamot ang nadagdag sa listahan ng mga produktong pangkalusugan na exempted sa value-added tax (VAT) na maging abot-kaya para sa mga Filipino, ayon sa Food and Drug Administration (FDA).
Sa ilalim ng FDA Advisory No. 2024-1618, na nilagdaan noong Nobyembre 22 ni Director General Samuel Zacate, inendorso ng FDA sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang exemption mula sa 12-percent VAT para sa walong gamot sa diabetes, apat na gamot para sa cancer at tatlong para sa mental illness.
Sa ilalim ng patakaran ng BIR, ang huling VAT exemption ay nagkabisa noong Nobyembre 25 nang isapubliko ng FDA ang updated list.
Ito na ang ika-anim na beses ngayong taon na nag-update ang FDA ng listahan ng VAT-exempted medicines. Sa ilalim ng batas, ang FDA ay dapat magbigay ng updated list 30 araw bago ang pagsisimula ng kada kwarter. Jocelyn Tabangcura-Domenden