Home NATIONWIDE LTO-Baguio exec sinibak sa ‘drunk driving’

LTO-Baguio exec sinibak sa ‘drunk driving’

MANILA, Philippines- Tinanggal ni Transportation Secretary Vince Dizon sa pwesto nitong Biyernes ang isang opisyal ng Land Transportation Office (LTO) sa Baguio na nadakip dahil sa pagkakasangkot sa vehicular crash habang tila lango sa alak.

Ipinag-utos ni Dizon na alisin sa pwesto si LTO-Motor Vehicle Registration chief Edilberto Bongaoen at binigyang-diin ang paalala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa lahat ng government officials at employees na “we are the people’s servants.”

“Paulit-ulit na sinabi ng Pangulong Marcos na ang mga tao sa gobyerno ay dapat nagseserbisyo sa ating mga kababayan at hindi naghahari-harian at sumusunod sa batas,” pahayag niya sa isang press conference sa Department of Transportation (DOTr) office sa San Juan City.

“There is no room for someone like this in the LTO and DOTr. This is unacceptable,” giit pa niya.

Ani Dizon, ang insidente ay “too serious a violation to allow a repeat of this.”

“Kung ikaw ay nagta-trabaho sa LTO, ang unang-una mo dapat gawin ay sumunod sa batas ng kalsada. Ang pagmamaneho ng lasing ay delikadong violation dahil madali kang madisgrasya at makadisgrasya,” wika ng opisyal. RNT/SA