Home NATIONWIDE LTO, DMW naglunsad ng programa sa renewal ng driver’s license ng mga...

LTO, DMW naglunsad ng programa sa renewal ng driver’s license ng mga OFW

MANILA, Philippines – Naglunsad ang Land Transportation Office (LTO) at Department of Migrant Workers ng programa na tutulong sa renewal ng driver’s license ng isang overseas Filipino workers (OFW).

Ayon kay Vigor Mendoza II, LTO chief, ang programa ay tatawaging “Pinabilis sa Bagong Bayani ang Magkalisensya” na bunga ng usapan sa pagitan nina Transportation Secretary Jaime Bautista at Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac.

Ang renewal process para rito ay gagawing online at sa pamamagitan ng digital platforms. RNT/JGC