Home METRO LTO nagsampa ng reklamo vs drayber ng colorum van sa Laguna

LTO nagsampa ng reklamo vs drayber ng colorum van sa Laguna

MANILA, Philippines – Sinampahan na ng kriminal na kaso ang drayer na nahuling nagmamaneho ng colorum van sa Los Banos, Laguna, sinabi ng Land Transportation Office (LTO) nitong Sabado, Hunyo 15.

Sa impormasyon mula sa LTO, sinabi na si Brillo Adremisin ay naiturn-over na sa pulisya, habang na-impound na ang van nito.

Dagdag pa, sinabi ng LTO na kailangan ng court order para mailabas ang na-impound na colorum van kahit na nakapagbayad na ng multa ang may-ari.

Nagbabala naman si LTO Chief Vigor Mendoza sa iba pang mga operator at drayber ng colorum na mga sasakyan na itigil na ang kanilang operasyon dahil sa pinaigting na crackdown sa mga colorum.

“Magpapatuloy ang agresibong operasyon ng inyong LTO sa buong bansa. Kaya ngayon pa lang ay pinapayuhan natin ang mga operator at driver ng colorum vehicles na tumigil na at lumagay sa tama,” ani Mendoza.

Idinagdag pa ng LTO na hindi nakapagpakita ng Certificate of Public Convenience si Adremisin nang siya ay mahuli sa hindi nabanggit na araw kung saan siningil nito ang 11 pasahero ng tig-P500 para sa kanilang biyahe mula Real, Quezon patungong Calamba. RNT/JGC