Home NATIONWIDE LTO: Non-essential land travel sa Bicol ipagpaliban muna sa banta ni ‘Pepito’

LTO: Non-essential land travel sa Bicol ipagpaliban muna sa banta ni ‘Pepito’

MANILA, Philippines- Bilang paghahanda sa posibleng epekto ni Tropical Storm Pepito, hinimok ng Land Transportation Office (LTO) nitong Huwebes ang mga motorista na suspendihin ang non-essential travel papunta at palabas ng Bicol Region.

Sa abiso, sinabi ng LTO na simula alas-6 ng Nobyembre 14, hindi inirerekomendang bumiyahe:

  • Mula sa National Capital Region at mga karatig-lugar patungo sa Bicol Region, at

  • Papunta at palabas ng Visayas at Mindanao sa pamamagitan ng Matnog Port sa Matnog, Sorsogon. 

Pinaalalahanan ng LTO, maging ng Office of the Civil Defense (OCD) ang mga motorista at biyahero na mag-ingat sa kalsada. RNT/SA