Home NATIONWIDE ‘Pepito’ lumakas; Bagyong Ofel humihina sa Luzon Strait

‘Pepito’ lumakas; Bagyong Ofel humihina sa Luzon Strait

MANILA, Philippines- Lumakas pa si Severe Tropical Storm Pepito at malapit nang maging bagyo habang patuloy ang paghina ni Bagyong Ofel sa Luzon Strait, ayon sa PAGASA sa 5 a.m. Tropical Cyclone Bulletin.

Hanggang alas-4 ng madaling araw, ang sentro ni Severe Tropical Storm Pepito ay tinatayang 795 kilometers east ng Guiuan, Eastern Samar na may maximum sustained winds na 110 kilometers per hour malapit sa sentro, gustiness hanggang 135 kph, central pressure na 980 hPa at kumikilos sa direksyong westward sa bilis na 25 kph.

Itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Luzon

  • Catanduanes

  • eastern portion ng Camarines Norte (Vinzons, Talisay, Daet, Mercedes, Basud)

  • eastern portion ng Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Presentacion, San Jose, Lagonoy, Tinambac, Goa, Siruma,Tigaon, Sagñay, Calabanga, Naga City, Magarao, Bombon, Pili, Ocampo, Iriga City, Buhi)

  • eastern portion ng Albay (Rapu-Rapu, City of Tabaco, Malilipot, Santo Domingo, Bacacay, Legazpi City, Malinao, Manito, Tiwi)

  • eastern at southern portions ng Sorsogon (Juban, City of Sorsogon, Barcelona, Bulusan, Magallanes, Gubat, Santa Magdalena, Casiguran, Bulan, Irosin, Matnog, Prieto Diaz, Castilla)

Visayas

  • Northern Samar

  • northern portion ng Eastern Samar (San Policarpo, Arteche, Jipapad, Maslog, Oras, Dolores, Can-Avid)

  • northeastern portion ng Samar (Matuguinao, San Jose de Buan)

Hanggang alas-4 ng madaling araw, ang sentro ni Bagyong Ofel ay tinatayang 100 kilometers northwest ng Calayan, Cagayan na may maximum sustained winds na 120 kilometers per hour malapit sa sentro, gustiness hanggang 150 kph, central pressure na 975 hPa, at kumikilos sa north northwestward sa bilis na 20 kph.

Kasado ang TCWS No. 3 sa mga sumusunod na lugar:

  • western portion ng Babuyan Islands (Calayan, Is., Dalupiri Is., Fuga Is.)

  • northwesternmost portion ng mainland Cagayan (Claveria, Santa Praxedes)

  • northernmost portion ng Ilocos Norte (Pagudpud)

Umiiral naman ang TCWS No. 2 sa mga sumusunod na lugar:

  • Natitirang bahagi ng Babuyan Island

  • northwestern portion ng mainland Cagayan (Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros)

  • northern portion ng Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela)

  • northern portion ng Ilocos Norte (Piddig, Bacarra, Adams, Dumalneg, Vintar, Bangui, Burgos, Pasuquin, Carasi)

Itinaas ang TCWS No.1 sa mga sumusunod na lugar:

  • Batanes

  • Natitirang bahagi ng Cagayan

  • northern portion ng Isabela (Quezon, Cabagan, Santa Maria, San Pablo, Maconacon, Santo Tomas, Delfin Albano, Tumauini)

  • Natitirang bahagi ng Apayao

  • Kalinga

  • northern at central portions ng Abra (Manabo, Pidigan, Tayum, Langiden, Boliney, Sallapadan, Bucloc, La Paz, Peñarrubia, Dolores, Bangued, Bucay, Daguioman, Lacub, Tineg, Lagayan, Licuan-Baay, Malibcong, San Juan, Lagangilang, Danglas)

  • Natitirang bahagi ng Ilocos Norte

  • northern portion ng Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, San Ildefonso, Magsingal, Santo Domingo, Bantay, San Vicente). RNT/SA