Home NATIONWIDE LTO SA SC: Magdesisyon na sa P3.19B contract para sa LTMS

LTO SA SC: Magdesisyon na sa P3.19B contract para sa LTMS

302
0

MANILA, Philippines- Umapela ang Land Transportation Office (LTO) sa Supreme Court (SC) na resolbahin na ang petisyon laban sa P3.19 bilyong kontrata nito sa German firm Dermalog Joint Venture for the Land Transportation Management System (LTMS).

Kinuwestiyon sa SC ang kontrata dahil mayroon sa mga depekto umano nito na maaaring magdulot ng banta sa national security.

Sinabi ng mga petitioner na sina Gerald Domingo at Atty. Jose Carlito M. Montenegro na isinampa nila ang petisyon dahil maaaring malabag din ang informational privacy kabilang ang mga pribadong impormasyon ng mga kliyente ng LTO gaya nila.

Sa mosyon ng LTO, nakiusap ito sa Korte Suprema na magpalabas na ng desisyon hinggil sa kaso ng LTMS.

“Case is imbued with public interest, and will drastically affect the registration, licensing and other functions of the agency.”

Ang LTMS ay web-based core system na layunin na pagsamahin ang lahat ng serbisyo ng LTO gaya ng pag-isyu ng driver’s license, registration ng motor vehicles at pag-isyu ng transport permits sa isang single database at digital platform.

Ang kontrata sa pagitan ng LTO at Dermalog ay pinirmahan noong May 28, 2018.

Ayon sa LTO, may mga gagawin ito na pagbabago sa kanilang kasalukuyang sistema sa pagrerehistro ng mga sasakyan at pagpapalabas ng lisensya at para magawa ito, kailangang baguhin ang kasalukuyang proseso.

“LTO is geared in streamlining and overhauling its current systems in the registration of vehicles, licensing of drivers, and in enforcing transport laws, and in doing so, it will need to change current procedures and protocols that will entail requesting respondent Dermalog to implement specific change orders.”

Kung magdesisyon aniya ang Mataas na Hukuman na ideklarang null and void ang kontrata nito sa Dermalog, ititigil muna ng LTO ang mga gagawin na pagbabago para sana sa mas maayos na serbisyo sa publiko.

“The LTO cannot proceed with the necessary changes with this possibility in the air as government funds to be used to effect these changes will just go to waste.”

Iginiit ng LTO na kailangan nito ng gabay mula sa SC sa pamamagitan ng pagpapalabas na ng desisyon upang malaman ng ahensya kung paano ito magpapatuloy para sa interes ng publiko. Teresa Tavares

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here