Home NATIONWIDE LTOP, CCC lumagda sa MOA ng pangtransportasyon

LTOP, CCC lumagda sa MOA ng pangtransportasyon

1
0

MANILA, Philippines – Lumagda ng Memorandum of Agreement (MOA) ang Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) at Climate Change Commission bilang pagbibigay ng suporta para sa programang pangtransportasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa isang pagpupulong na ginanap sa tanggapan ng LTOP sa Evangelista St., Makati City, sinabi ni LTOP National President Orlando “Ka Lando” Marquez na bukod sa pagsasagawa ng seremonyal na paglalagda ng MOA ay inilunsad din ang National Insurance para sa Masang Drayber at Manggagawang Insurance Program.

Iprinisenta din sa naturang kaganapan ni Engr. Ric Capistrano ang kahalagahan sa paggamit ng 100% Bio-Diesel Reaction Machine na magta-transform sa industriya ng pampublikong transportasyon mula sa ginagamit na fossil fuel para maging electric energy.

Ayon kay Marquez, malaki ang maitutulong ng Bio-Diesel Machine sa climate change kung saan ang mga itinatapon na cooking oil mula sa mga restaurant at fast food chain ay maaari nang kolektahin para sa transpormasyon ng pagiging electric energy.

Kasabay nito, ang paglulunsad ng insurance coverage para ay isang pamamaraan para maiangat ang kondisyon ng buhay ng mga drayber habang nagbibigay naman ng ligtas at komportableng serbisyo sa mga mananakay o pasahero.

Sa maliit na halaga lamang na P5.00 kada araw bilang minimal premium ay insured ang isang manggagawa 24/7 kung saan makatatanggap ito ng P100,000 na life insurance coverage; accident insurance na P100,000; unprovoked assault (P100,000); Total disability na PP100,000; partial disability na P50,000; at burial death benefit na P50,000. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here