Home HOME BANNER STORY Lugar ng mga paaralang may ‘ghost students’ tukoy na ng DepEd

Lugar ng mga paaralang may ‘ghost students’ tukoy na ng DepEd

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan ng DepEd ang 12 pribadong paaralan na umano’y naglalagay ng “ghost students” bilang benepisyaryo ng Senior High School Voucher Program.

Limang paaralan ay nasa Bulacan at Pangasinan, habang ang iba ay nasa Metro Manila, Pampanga, Tarlac, Rizal, Northern Samar, Davao del Sur, at Maguindanao.

May mga paaralang di-umano’y ginagamit ang pangalan at reference number ng mga estudyante para makakuha ng bayad sa matrikula.

Iniimbestigahan din ng DepEd kung may kasabwat sa loob ng ahensya, matapos matuklasang halos 13,000 benepisyaryo ang may kwestyonableng rekord noong nakaraang taon, na nagresulta sa ₱245 milyong hindi nabayarang vouchers.

Ngayong taon, mahigit 1,000 estudyante ang may kaugnayan sa ₱25 milyong hindi bayad na vouchers.

Nangako si Education Secretary Sonny Angara ng aksyon laban sa mga nagsasamantala, kabilang ang opisyal ng paaralan.

Plano rin ng DepEd na gumamit ng teknolohiya para sa mas mahigpit na beripikasyon ng voucher program. RNT