Home METRO Kelot patay sa bangga ng motorsiklo sa pedestrian lane

Kelot patay sa bangga ng motorsiklo sa pedestrian lane

2
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang 30-anyos na lalaki matapos mabangga ng motorsiklo habang tumatawid sa pedestrian lane sa Barangay Kasambagan, Cebu City, madaling araw ng Sabado, Hunyo 13.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jimmy Lumapac Jaducana, na idineklarang dead on arrival sa ospital.

Ayon sa Traffic Enforcement Unit (TEU) of the Cebu City Police Office, ang pagbangga ay nangyari sa harap ng Sarrosa Hotel sa F. Cabahug Street.

Sa inisyal na imbestigasyon ay nakita na si Jaducana ay tumatawid sa kalsada sa pamamagitan ng pedestrian lane patungo sa kalapit na convenience store.

Sa kaparehong oras ay dumating naman ang Honda Click na motorsiklong minamaneho ng 24-anyos na si Mc Vaughn Morata Polancos kasama ang 23-anyos nitong pasahero na si Kaye Fernandez Estremos.

Narating ng motorsiklo ang lugar kung saan tumatawid si Jaducana sa gitna ng kalsada at tinamaan ito.

Tumilapon ang biktima sa lakas ng bangga at naumpog sa semento dahilan para magkaroon ito ng severe physical injuries.

Agad na isinugod ng mga rumesponde ang biktima sa Cebu City Medical Center ngunit idineklarang dead on arrival.

Tumilapon din sina Polancos at Estremos na nagtamo rin ng mga injury kasabay ng pinsala sa naturang motorsiklo.

Nahaharap ang drayber sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide sa ilalim ng Revised Penal Code in relation to Republic Act 4136, o Land Transportation and Traffic Code.

Nasa kustodiya na ng TEU ang rider habang inihahanda ang reklamong ihahain sa kanya sa Cebu City Prosecutor’s Office. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here