
Malaki umanong pagkalugi at pagsasara ng negosyo sa mga tourism hubs ang idinulot ng sinasabing palpak na serbisyo ng mga electric cooperative, ayon sa energy consumer group na ILAW.
Sa kanilang FGD sa mga negosyante sa IGACOS, Siargao, Cebu, at Puerto Galera, lumitaw ang matinding pagkadismaya sa madalas na blackout, kakulangan sa suplay ng kuryente, at mabagal na pagtugon sa reklamo.