Naghahanap ang ICC ng freelance transcribers para sa Tagalog at Cebuano sa ilalim ng Language Services Unit.
Ang mga matatanggap ay magtatrabaho nang remote at maaaring humawak ng sensitibong materyales.
“A roster of freelance transcribers will be established as a result of this selection process. Once accredited, freelance transcribers may be offered contracts for the provision of remote transcription services in keeping with the operational needs of the Unit,” saad sa job posting.
“Mindful of the nature of the ICC’s mandate and operations, freelance transcribers must understand that the audio/video material outsourced for transcription may on occasion risk being of an upsetting or disturbing nature,” dagdag pa rito.
Nailathala ang job posting noong Enero 28, 2025, bago pa maaresto si dating Pangulong Rodrigo Duterte. Nakadetine siya sa The Hague at nahaharap sa kasong crimes against humanity kaugnay ng mga pagpatay sa war on drugs.
Natukoy ng ICC na may sapat na basehan upang siya’y papanagutin sa Duterte Death Squad (DDS) at mga pagpatay ng pulisya. RNT