Home ENTERTAINMENT Luis, aalalay kay Ate Vi sa kapitolyo, walang bayad!

Luis, aalalay kay Ate Vi sa kapitolyo, walang bayad!

256
0

Batangas, Philippines- Wala man si Finance Secretary Ralph Recto sa pagsisimula ng opisyal na trabaho ni Vilma Santos bilang Batangas Governor ay full support naman doon ang pamilya ng aktres-pulitiko.

At obyus na nagpapakitang-gilas agad si Vilma!

Pag-upung-upo pa lang kasi niya ay apat na executive orders na agad ang pinirmahan niya.

Wait, there’s more.

Not because Vilma’s son Luis Manzano lost bilang runningmate niya’y tinap pa rin ito para alalayan ang ina.

Minsan nang nabanggit ni Ate Vi na kailangan niya ang expertise ni Luis lalo sa social media.

Kaya kahit walang suweldo, willing si Luis na tulungan at alalayan ang ina sa trabaho nito.

This also explains kung bakit sa halip na tatlo ay dalawang programa lang sa ABS-CBN ang tinanggap ni Luis.

‘Yun daw ay para mapaglaanan niya ng oras ang pag-alalay sa ina.

Samantala, game na uli ang mag-asawang Luis at Jessy Mendiola na sundan si Baby Peanut.

After all nga naman ay malaki-laki na ang kanilang panganay.

Kaya expect Luis to be busy thrice as much–may 2 shows na, tumutulong pa kay Ate Vi at may planong mag-anak uli! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here